hay naku! nagdodominate naman ang sentimental part ko!. But i can’t help it, naaalala ko na naman kasi ang mama ko. magtatatlong taon a pala siyang wala sa piling namin.
noong nasa prep. palang ako, ako palagi ang bida, syempre tuwing may “prinsisito, prinsisita” kasali lagi ako. pa’no ba naman kasi, hindi marunong magpahuli ang mama ko. Ewan ko ba, may super radar yata yun! kasi nalalaman niya lahat ng competitions na ganun at parati rin akong contestant ( kahit hindi ko pa alam by that time na competition pala yun)
at eto pa, parang may feeding program sa school kapag birthday ko, siyempre mama ko ulit ang pasimuno nun!
noon namang makatungtong ako ng elementarya, syempre sikat parin ako! Astig yata ang mama ko!
Naalala ko pa nung grade 3 ako, meron kaming classmate na dapat yata eh grade 5 na dahil matanda na. dahil nga ganon, saang naging class bully. one time, habang naglalakad ako sa loob ng classroom(may pagka-supervisor ako noon eh), nabunggo ko si class bully so ako naman nginiig
to the bones talaga kasi i mess up with cass bully, ang ginawa nya sinuntok nya ako sa sikmura(wala kasi yung teacher namin) so todo iyak naman ako. kasi nga naman ano bang masama kung mabunngo ko siya? eh di ko nama sinasdya diba? Eto ang masklap, nahagip ng super radar ni mama ang masamang pangyayari, kinabukasan, sumugod si mama sa school at kinausap yung adviser namin. maya-maya biglang tinawag yung sumuntok sa akin. lumabas silang dalawa ni mama. mula sa bintana ng aming silid-aralan ay nakita namin ang buong pangyayari. nag-ala FPJ si mama, sinuntok niya sa sikmura yung class bully with matching cymbals pa yun! pati yung adviser namin walang nagawa.
hayy… pagkatapos ng pangyayaring iyon, buong section namin naging instant friends ko (ayaw yat nilang matulad kay class bully eh)
sa awa ng Diyos, natapos ko ang grade 3 with award “model student”
Astig talaga ang mama ko!
kwento sa akin ni mama, noong araw isa raw siyang tindera sa Divisoria. kaya bawat sulok Dv kabisado nya. kaya noong lumipat kami sa Laguna, kapag may gustong mamili na kapit-bahay sa DV siya ang nilalapitan. tour guide ba kung baga.
ang ayaw ko lang kasama kapag mamimili si mama sa DV. pano ba naman sabog na ang paa ko 2 hours straight na kakaikot, siya parang warm-up palang. look, aalis kami ng bahay mga 7 palang ng umaga, makakaratiing kami ng DV mga 10 na. from that time on, walang tigil na pagiikot yun! makakauwi kami ng bahay mga past 12 in the morning na.
PERO….
its all worth it naman, see, nakainan ko lahat ng gusto kong kainan, nabili ko lahat ng gusto kong laruan diba? sarap talaga niyang magmahal…
But those happy moments wont last forever…
it was on January 2005, na-diagnose si mama a may ovarian cancer.
sabi sa kanya ng pesteng doktor niya bilhin daw yung gamot na tig-27k (may halo yatang ginto yun!) para i-inject sa kanya. But walang nagyari…
ang bilis ng mga pangyayari….
it was on september 2005 nang mapagpasayahan naming dalhin siya sa PGH (nandun lahat ng especialists di ba?) doon, lahat ginawasa kanya, Cobalt, Chemo at kung ano-anu pa. pero huli na ang lahat, by the end of September, napagpasyaha namin na iuwi nalang siya, doon nalang nin siya aalagaan sa bahay.
October 8, 2005 at exactly 1:36 pm, mama breathe her last.
wala na nga talagang ibang makahihgit sa pagmamahal ng ina sa anak…
ako, i still have my regrets. na sana pinahalagahan ko yung mga oras na kasama ko pa siya. na sana hinalikan, niyakap ko pa siya ng mas maraming beses. But that’s life: “You born, you live and you die…” sabi nga ni Benjamin Newmann sa movie na “Click”.
