Libre lang mangarap….

Sabi sa isang kanta “libre lang mangarap, managinip ka habang gising…” salamat sa Kamikazee dahil na L.S.S (last song syndrome) ako diyan sa kantang yan, naging gawain ko na tuloy ang maging “Daydreamer”

Ang sarap ng pakiramdam kapag natutupad ang isang pangarap mo di ba? tulad ko, noong bata pa ako, pangarap kong matutong tumugtog mag-keyboard… (teka, teka…ay tanong lang po ako, ano po ba ang pinag ka-iba ng piano sa organ at keyboard?) At salamat sa Diyos, natuto akong mag-lyre. katunayan nakasali paao sa Drum an Lyre ng School namin. pero for the mean time lang pala yun sabi ni Lord. Eventually natuto din akong mag-keyboard. Noong matuto akong mag-keyboard, pinngarap ko namang magkaroon ng malaking keyboard (kasi pambata yung gamit ko eh…) hindi nagtagal natupad din yun, ang graduation gift ko kasi galing sa parents ko nung elementary ay isang malking keyboard.

hayyy… ang tao talaga walang sense of contentment tulad ko (teka, ako na naman?!?) di ba nga natuto na akong mag-keyboard, nagkaroon na ako ng malaking keyboard. Eto na naman ako, gusto kong matutong mag-gitara. So, I sought the help of my friends who are good in guitar playing. after a hundred years, sa wakas natuto din ako!!!

ETO NA NAMAN AKO!

ako kasi yung tipo ng tao na once ma-master ko ang isang bagay, lalo na kung sa music yun, eh gusto ko maganda at BAGO ang equipments ko. So, yun nga, natuto akong mag-gitara, eh yung gitar namin sa bahay eh minana ko pa sa Eldest sister ko, hindi nyo lang naitatanong nag-aral ding mag-gitara ang ate ko so yun, ang galing nyang maglaba ngayon. sya lang ang nakakatanggal ng mantsa sa damit ko. OK, BACK TO THE TOPIC….

yun nga minana ko pa yung gitarang yun, so ano pa bang aasahan? eh di luma na tapos biyak pa yung shell sa likod. may kasabihan nga si jeff “YOUR WISH IS A DAYDREAM AWAY” so yun, nangarap ako ng gising na sana magkaroon ako ng magandang gitara. EPEKTIB! ngayon lang January, I’ve got my new guitar.

isi-share ko na rin yung iba kong mga ungranted wishes. maki daydream na rin kayo sa akin para mas mabilis matupad. (two daydreamers are better than one.. he..he!)

1. Makita sa Personal yung KUNG-FU KIDS!

2. Magroon ng Life-size na Voltes-five na Robot or kung hindi man, OK na rin yung Daimos…

so pansin nyo yung first two eh parang pambata, eto lang ang masasabi ko: “Though i am grown up, I still have the heart of a child”

3. sana Magkaroon ako ng Macbook.

4.SAna maka-jammin’ ko si James Taylor

5.Sana magkaroon ako ng Korg Workstation.

Si Lord may pagka-Clever talaga no? biruin mo, pagkalooban nya ba naman ang tao ng ability to dream? sino bang ibang pwedeng makaisip nun?

Para sa akin, yun dreams kasi motivates you to put your best foot forward and to go an extra mile!

sa madaling salita, dreams motivatres you to do your best…

~ by jeffcaber on April 5, 2008.

One Response to “Libre lang mangarap….”

  1. yeah! that’s right, dreams are God-given. should be used wisely

Leave a Reply