bakit hindi kumakain ng proben ang mga Badjao?
Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at bigla ko nalang naisipang mag-blog!? well, kung ano man yung dahilan na yun, akin nalang yun!
Three weeks ago, naglalakad ako sa may crossing (yung crossing dito sa may CAlamba, Laguna) may naamoy akong nagluluto ng Proben na itinitinda, Syemps! di ko napigilan ang sarili kong wag bumili ng (kahit pa alam kong may libreng hepa yun!)
So, yun nga, bumili ako ng isang balot, habang ninanamnam ko yung arap at lutong ng proben ko, biglang may lumapit sa aking mag-inang Badjao (sa mga hindi po nakaaalam, ang Crossing, Calamba po ang bagong haven ng mga Badjao) Hinihingi nila yung Proben ko (my beloved Proben!) so syempre, naglaban muna sina Miguel at Taning sa loob ng utak ko, ibibigay ko ba o hindi? mananalo na sana si Taning kaya lang nakita ko batang Badjao (as in tulo-uhog with matching panlilimahid pa!). Pagkatapos ng mahabang evaluation kung nararapat ba ang mag-inang ito sa pinakmamahal kong proben, napagdesisyunan kong ibigay nalang.
Syempre ang Sarap ng feeling! parang pwede na akong mamatay kasi nakagawa na ako ng mabuti nung araw na yun!
Pagkabigay ko ng proben, naglakad na yung mag-ina palayo, ako naman nag abang na ng jeep papuntang Canlubang. After a while, bumalik yung mag inang Badjao at pilit na ibinabalik yung proben na ibinigay ko. Ang rason: HINDI DAW SILA KUMAKAIN NUN!
Hay naku! ang mga Badjao, pihikan pala sa pagkain!, eh papaano kung proben nalang ang pagkain sa mundo? kung proben nalang ang pwedeng mapulot sa basura? kung proben nalang ang tumutubo sa lupa? (???) eh di mamamatay sila sa gutom?!?
Hindi ko naman sila pwedeng sisihin dahil baka nga naman kultura nila yun diba? eh ako kaya bigyan ng piniritong Aso? maatim ko kayang kainin yun? gayong hindi ko naman kulturang kumain ng Aso.(Dog Lover po ako!) baka nga naman Chicken lover ang mga Badjao.
Teka…teka…teka…
Ano nga pala ang ginagawa ng isang Badjao sa Crossing? Saang probinsya sila galing? papaano sila nakarating ng Laguna? Naglakad? or are they Hitchhikers? Ewan!
Pero kung ako sa kanila, hindi na ako umalis sa lugar nila,pwede naman silang mamuhay ng tahimik doomn diba? pwede naman silang magtanim at magtanim doon diba? (maliban nalanbg kung walang lupa) Hindi tulad dito, aapihin lang sila, ipagtatabuyan lang sila, hahayupin lang sila. doon sa sarili nilang lugar, hindi sila Pulubi. There’s no place like home mga kapatid na Badjao!
MORAL LESSON: “Wag kang magbibigay ng Proben sa isang Badjao, Sayang Lang.”

Leave a Reply